Ang pag – aaral na ito ay layunin na alamin
at aralin ang mga dahilan at epekto ng pagkahumaling ng mga Pilipino sa Social
Networking sites.
Para sa pagkalap ng datos, ang pag – aaral
na ito ay ginamitan ng Quantitative Research at ang instrumentong ginamit para
rito ay pagsisiyasat. Nahahati sa tatlong pangkat ang mga sumagot ng
isinagawang pagsisiyasat. Ang pinakauna ay ang mga Pilipinong may edad 8
hanggang 11, sumunod ang may edad 12 hanggang 16, at ang pinakahuli naman ay
ang mga may edad 17 hanggang 21 at mga 22 pataas.
Lumabas sa mga datos na nakalap na
karamihan sa may mga edad 8 hanggang 11 at 17 hanggang 21, ang kanilang mga
kaibigan, pag-aaral, at trabaho ang dahilan kung bakit sila gumagamit ng Social
Network. Sa mga may edad 12 hanggang 16 naman; nakakuha ng may pinakamalaking
bahagi ng dahilan ng kanilang paggamit ay ang kanilang mga kaibigan.
Base sa mga nakalap na datos mula sa
isinagawang pagsisiyasat, makikita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
dahilan ng paggamit ng Social Network ng bawat pangkat, lalo na kung gaano
kahalaga ang mga kaibigan sa dahilan kung bakit sila gumagamit ng Social Network
Sites. Makikita mula sa mga datos na nakalap kung gaano kahalaga sa mga
Pilipino ang mayroong nakakasama.
Para sa mga nais na muli itong aralin, mas
makakabuti na damihan pa ang kakatugunin at lawakan pa ang sakop na lugar ng
mga katugon.
No comments:
Post a Comment