Ang pag-aaral na ito ay
qualitative na may layuning malaman ang iba’t ibang implikasyon sa mga miyembro
ng mga watak na pamilya. Ang sakop ng pag-aaral ay sa Quezon City at mayroong
mga katugon at kapanayam na bata na nasa edad labindalawa hanggang 21 taong
gulang at mga magulang na nasa 26-53 taong gulang.
Lumabas sa
pagsisiyasat na ang paniniwala, kultura at pagiging sagrado ng kasal ang ilan
sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi tanggap ng lipunan ang diborsyo sa
bansa. Lumalabas sa pagsusuri sa kinapanayam na mga bata na hindi lahat ay
naaapektuhan sa negatibong pamamaraan lalo na kung nagabayan ng maigi ng mga
magulang at lumaki sa ganoong sitwasyon. Ang mga nakapanayam na magulang naman
ay mayroong: hindi hiwalay ng legal, hindi kasal at diborsyado. Bagamat walang
pagbabago sa kanilang lokasyon at trabaho; nakaranas pa rin sila ng problemang
pinansyal. Masasabi naman nila na malaki ang naging salok ng pagiging mula sa
isang buo o watak na pamilya sa kanilang sariling pamilya.
Sa huli,
halos lahat ay makapagsasabi na pinalakas sila ng ganitong pangyayari at kahit
ano mang bahid ang mayroon ang pamilya, mananatili itong mahalaga sa mga
Pilipino sapakat ito’y nagsisilbing motibasyon at inspirasyon nila para
magpatuloy. Pag-aralan naman ang pagiging maagang ina o ama ng ilang indibidwal
na siyang nanggaling sa watak na pamilya. Pag-aralan rin kung ikinokonsidera
bang pamilya kung: hindi kasal ang magkasintahan o mag-asawa ngunit walang
anak.
No comments:
Post a Comment