Wednesday, January 29, 2014

Ang Sanhi at Implikasyon ng Pagkahumaling ng mga Pilipino sa Fast Food

Danilo Zulueta, Danica Granado, & Naomi Samson


Ang sanhi at implikasyon ng pagkahumaling ng mga Pilipino sa fast food ay isang kwaliteytib na pag-aaral na naglalayong alamin, matuklasan, at maunawaan ang mga kadahilanan at epekto ng pagkahilig ng mga Pilipino sa fast food.

Ang mga kinapanayam ay mga lalaki’t babaeng labing-isa hanggang limampung-siyam na taong- gulang na nakatira sa Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Makati, at Rizal. Sa pamamagitan ng interbyu, nakakalap ng datos at impormasyon mula sa mga kinapanayam na nagsaad na ang lasa, kasiyahang dulot, at maging abalang buhay ay naging ilang sanhi ng pagkahilig at pagtangkilik dito. Nakita na ang Pilipinas ay lipunang talagang tumatangkilik sa fast food bagamat alam ng nakakarami ang negatibong dulot nito.

Bilang konklusyon, natuklasan ng mga mananaliksik na samu’t sari ang mga sanhi at negatibo naman ang mga epekto ng fast food sa mga tao. Napatunayang may kinalaman ang estado ng yaman, pag-uugali, at pagbabago ng pamumuhay sa pagkahumaling at pagtangkilik sa fast food at may mga negatibong epekto ito sa kalusugan (sakit sa puso, obesity, etc) at kaisipan (pagka-adik o lubusang pagkahilig) ng mga tao.

Inirerekomenda naman ng mga mananaliksik ang pagdaragdag ng bilang ng kinapanayam na may iba’t ibang estado, trabaho, yaman, tirahan at edad nang maging mas malawak pa ang pag-aaral. Rinerekomenda rin ang paglaan ng mas mahabang panahon nang sa gayo’y mas mausisa, masaliksik, at mapag-aralan ang paksa.

No comments:

Post a Comment